Pagkakaisa para sa Pambansang Wika at Pag-unlad

Pilipinas, Indonesya, at Singapore, mga karatig bansa na matatagpuan sa Timog-Silangang Asya. Masasabi mo ba na ang mga bansang ito ay dalubhasa sa kani-kanilang wikang Pambansa? Ihambing natin ang kaso ng mga bansang Indonesya at Singapore sa kaso ng Pilipinas. Halina at samahan niyo akong tignan at alamin ang mga nangyari at nangyayari upang magkaroon tayo ng mga bagong kaalaman at pananaw sa kung paano binibigyang halaga ng mga bansang ito ang kanilang wikang Pambansa.

            Alam niyo ba na bago maging wikang Pambansa sa Indonesia ang Bahasa Indonesia ay marami muna itong nilakbay bago ito mapagkasunduan. Noong panahon ng pananakop ng Holandes, ang wikang madalas gamitin ng mga Indonesian sa pakikipag talakayan ay ang Pasar Malay. Ito ay isang batas na ginawa na kung makikisalamuha ka sa mga hindi marunong sa wika ay gagamitin mo ang wikang ito. Ang Pasar Malay ay malay ng pampalengke at isang uri ng pidgin malay na ginagamit bilang pangalawang wika. Ngunit, bilang ito nga ay pangalawang wika hindi mahusay ang pag-uusap ng mga tao. Kung kaya ayon sa artikulo ni Simanjuntak (2009), nagkaroon ng “Language policy” ang Indonesia na kung saan inimplementa ang paggamit ng Bahasa Indonesia bilang pangunahing wika ng bansa. Sa aking pananaliksik nalaman ko kay James Sneddon, isang lingguwistiko, na pinagkasunduan lamang gamitin ang wikang Bahasa Indonesia ng mga intelektwal at manunulat noong dekada 1920 at 1930. Sa gitna ng  kilusang makabayan sa Indonesia upang makalaya mula sa pamumuno ng mga Holandes (Dutch). At nang dumating ang panahon na nakalaya na ang Indonesian sa kamay ng Holandes, pinagyaman nila ang kanilang wikang Pambansa sa pamamagitan ng paggamit nito hindi lamang sa palengke, kundi maging sa paaralan, pamantasan, at maging buong bansa. Isa pa, mahalaga na kapulutan natin ito ng aral sapagkat nakasentro ito sa  usapin sa modernisasyon ng wikang Bahasa Indonesia. Kabilang dito ang pagkilala sa naging papel ng mga Indonesian na mula sa sari’t saring pangkat etniko at antas sa lipunan upang mabuo at mapormalisa ang wikang Bahasa Indonesia.

            Sa kabilang banda, halina at tignan natin ang lagay ng Singapore noon at ngayon. Alam niyo ba na ang Singapore ay bahagi lamang ng Malaysia noong 1957. At naging independyente lamang sila noong 1965. Ngunit, kahit ganoon ang Singapore ay isa sa mga pinakamaunlad at pinakamayaman na bansa sa Timog-Silangang Asya. Hindi ito katakataka sapagkat sa bansang ito ginagastusan at binibigyang importansya ang pag-aaral sa paaralan at pamantasan. At kung tatanungin kung ano ang dahilan ng pagiging maunlad nila. Ito ay dahil walang brain drain sa Singapore. Ayon sa lingref.com, ang Singapore ay mayroong “Bilingual Education Policy”.  Ingles man ang pangunahing salitang ginagamit at pinagyayaman ng mga ito hindi pa rin tinalikdan ng mga Singaporean ang kanilang sariling wikang Pambansa na Bahasa Melayu. Para sa kanila ang kanilang wikang Pambansa ay tanda at simbolo ng pagkabansa lamang. Ngunit, kahit ganoon ay may importansya at pagpapahalaga pa rin sila dito. Wala mang emphasis ng wika sa Singapore, maituturing pa rin na higit na mas maunlad ito dahil mayabong ang pambansang kamalayan ng mga Singaporean. Ang patunay nito ay bumabalik sila sa kanilang mga bansa. Higit pa, walang brain drain sa Singapore.

            Kung iuugnay natin ang mga bansang Indonesia at Sinagapore sa Pilipinas. Mayroong napakalaking pagkakaiba. Una, ang bansang Indonesia ay isang mahirap at hindi malagong bansa noon. Ngunit, kung titignan sila ay mayroong pagkakaisa at disiplina na gamitin at pagyamin ang kanilang sariling wika. Binigyan nila ng emphasis ang Bahasa Indonesia kung saan ito ay nagresulta sa pagkakaisa, pagkakabuklod buklod at paglago ng mga tao at bansa. At ito ang kakulangan ng mga mga Pilipino, sapagkat, walang pagkakaisa ang mga tao sa kung anong wika ang gagamitin. Pangalawa, alam naman natin na ang bansang Singapore ay pinagyaman na ang wikang Ingles bilang pangunahing wika. Kahit ganoon hindi mo masasabi na ang bansang Singapore ay mahirap. Sapagkat, ang mga tao rito ay may kamalayan sa kanilang sariling wika at lahing pinagmulan. At kung ikukupara ito sa Pilipinas, ang Singapore ay walang brain drain at ang Pilipinas naman ay may malaking porsyento ng brain drain. Sapagkat, maraming mga Pilipino sa bansa ang walang kamalayan at mas pipiliing mangimambansa at piliing manirahan nalang doon.  Wikang Filipino, ito ay ang ating pambansang wika ng Pilipinas. Ang paggamit ng wikang ito ay nakakatulong sa mga Pilipino upang magkaintindihan ang mga tao at para mapag-isa tayong mga Pilipino. Sa paglaganap ng mga iba’t ibang wika nakalimutan na natin ang ating wika. Hindi na natin ito binibigyan ng importansya at parang wala nalang ito sa kahalagahan sa ating buhay. Kung kaya bilang isang Pilipino, ayon sa halagangwika.blogspot.com, marapat nating bigyang importansya at kahalagahan ang paggamit ng sariling wika. Maaari natin itong simulan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wikang FIlipino. Paggamit ng wikang Filipino sa paaralan at sa komunidad. Paggamit ng wikang Pambansa sa “social media”. Pakikilahok sa mga aktibidades na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino. At huli, paglikha o pagsulat ng mga tula, kuwento na may kapupulutan ng aral, at mga artikulo na may kinalaman sa pagpapahalaga ng wikang Filipino. Ilan lamang ito sa paraang kung paano ka makakatulong sa pagpapahalaga sa sariling wika. Ngunit, mangyayari lamang ito kung susunod at may pagkakaisa ang mga tao. At huwag kalimutan na ipagmalaki, pahalagahan at gamitin natin ang wikang Filipino sa ating buhay. 

Sanggunian:

Dixon, L. (n.d.). The Bilingual Education Policy in Singapore: Implications for Second Language Acquisition. http://www.lingref.com/isb/4/047ISB4.PDF

Halagang, W. (2017). Limang Paraan kung Paano Ka Makakatulong sa Pagpapahalaga ating Wikang Pilipino. http://halagangwika.blogspot.com

James Sneddon (2009). Wikang Filipino at Bahasa Indonesia. https://himantayon2.wordpress.com/2009/10/09/wikang-filipino-at-bahasa-indonesia/

Simanjuntak, R. (2009). BAHASA INDONESIA: POLICY, IMPLEMENTATION, AND PLANNING. https://media.neliti.com/media/publications/166543-EN-bahasa-indonesia-policy-implementation-a.pdf

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started